Mahigit 100 high school students ang na-ospital matapos sumalang sa isang fire drill sa Cabuyao, Laguna.
Sa isang live Facebook video, inilahad ni Cabuyao Mayor Dennis Hain ang naging kaganapan sa Gulod National High School na batay sa naging memo naman ng Department of Health.
“Humigit-kumulang na 3,000 (estudyante) ay pinapasok sa classroom. Doon ay sila ang nagsiksikan sa kabila ng init ng panahon,” Hain said.
“Base po sa report, hindi nakainom ng tubig ‘yung iba at nagugutom na rin ‘yung iba,’ dagdag ni Mayor.
Ayon kay Hain, umabot sa hanggang 43 degrees Celsius ang init nang mga oras na yon.
“May ilang estudyante na nagrereklamo at nanghihingi ng tubig (pero) hindi po napagbigyan sapagkat ang mga scout po ang nagma-manage. Siguro ay hindi rin abot ng kanilang kaisipan dahil mga bata rin sila at ganon nga akala nila ay basta-basta na lang,”
Dagdag pa ni Hain, 104 na mga estudyante ang isinugod sa Cabuyao General Hospital ngunit halos lahat ay nakalabas na maliban sa tatlong iba pa na nanatili sa ospital.
Lumalabas na walang koordinasyon ang fire drill sa mga kinauukulan. “Ito ay paalala po sa ating lahat na kailangan po kung may gagawin tayong ganitong activity lalo na sa ating DepEd, i-coordinate po natin sa city hall. Meron po tayong responders, CDRRMO, para mag-conduct ng seminar,” ani Hain.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.