Naniniwala si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa alegasyon na si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. ang nasa likod ng pagpaslang kay Governor Roel Degamo.
Ang pahayag na ito ay sinabi ni Duterte Huwebes (Marso 23) sa Cagayan De Oro City kung saan tumanggap siya ng Distinguished Merit Award mula sa liga ng mga barangay ng siyudad.
Ayon kay Duterte, may kinalaman din sa ilegal na droga ang pagkamatay ni Degamo.
Sinabi ng dating pangulo na dapat sampahan ng pulisya si Teves kasunod ng pagkanta ng mga nahuling suspek na ang mambabatas ang nasa likod ng nangyaring pagpaslang.
“Once the case is filed, the Department of Justice should file a case for the cancellation of Teves passport,” wika ni Duterte.
“Teves is lucky. I am no longer in power. Otherwise, another extrajudicial killing would be an issue,” pagbibiro nito.
Marso 4 nang pagbabarilin ng grupo ng armadong mga kalalakihan ang gobernador at 8 iba pa sa kanyang tahanan sa bayan ng Pamplona.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.