Dumulog sa Bitag Action Center #ipaBITAGmo ang isang byuda kasama ang kanyang apat na taong gulang na anak.
Kwento ni Merlinda Ansuga, Enero 27, nang mabaril ang kanyang anak na si “Junjun” ng kalaro nito gamit ang kalibre .45 na baril.
Inakala daw ng batang si alyas “Gelo” na laruan ang baril na hawak niya.
Una daw itinutok ni “Gelo” sa ulo ni “Junjun” ang baril pero hindi ito pumayag at sa halip ay pinatama ito sa kamay.
Kwento pa Merlinda kay BITAG, nagpa-blotter siya sa kanilang barangay, ngunit pinayuhan siya ng mga lupon na makipag-areglo na lamang sa lolo na si Henry Montero.
Sa pakikipag-usap ni BITAG, pilit pa din tinatanggi ni Montero na sa kanyang ang nasabing baril.
“Saan kaya nakuha ng bata ang baril? Nahulog sa langit o nakita niya sa puno ng kamatis, or nakita niya sa kalsada yun baril? o nakita niya sa loob ng pamamahay ninyo?” tanong ni Ben Tulfo.
Todo tanggi pa din si Montero na sa kanya ang baril.
Samantala, nakahanda naman ang Cabanatuan Police para imbestigahan ang nasabing insidente.
Nagpa-alala naman si BITAG sa mga nagmamay-ari ng mga baril na maging responsable at huwag hayaan mapasakamay ng mga inosenteng bata.
“Ang pag-aari ng baril ay isang responsibilidad na Malaki pribilehiyo na mabigyan ka ng lisensya, at ang lisensya o rehistrasyon ay prebilehiyo hindi karapatan.at katumbas niyan ay pananagutan kapag ikay nakapinsala or naka aksidente panagutan ang sino nagmamay-ari.”
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.