Lumaki man sa hirap, naging mayaman naman sa talento ang repaint artist na si Noel Cruz.
Tubong Muntinlupa City si Noel at madalas ay nakikipanood lang daw noon ng telebisyon ng kanilang kapitbahay. Ang paborito niyang panoorin si “Bionic Woman”, isang palabas noong 1970’s na pinagbibidahan ni Jaime Sommers.
Ito din ang naging paboritong iguhit ni Noel. Matapos ang niyang mapanood ang isang episode, dali-dali siyang uuwi upang iguhit ang kanyang paboritong action hero.
Mas hinasa ni Noel ang kanyang talento sa pagguhit ng mga portraits ng mga tao.
Taong 1988, nanirahan sa Estados Unidos si Noel Cruz kasama ang kanyang asawa. Nagtrabaho siya bilang isang janitor maigapang lang ang kanyang pamilya.
“My first job was a minimum paying job, I was only earning 5 dollars an hour and that was very minimum. It’s very tough and really just trying to raise a child with an income that you only make a minimum wage,” kwento ni Noel sa BITAG Media Digital.
Pero sa kabila ng mga kaliwat kanan na trabaho, hindi nawala kay Noel ang kanyang passion bilang artist. Patuloy niyang prinaktis at eksperimentuhan ang paggawa ng portrait sa pamamagitan ng mga Barbie dolls na koleksyon ng kanyang misis.
“When you look at Barbie, you look at this very animated looking, she’s not supposed to look like a real person, she’s more like a stylized version of a person. It also speaks to my artistic side which is the artist in me wanting to create a portrait, in this case like a 3D (3-dimensional) portrait”
At Noong 2001, dito na nagumpisa makilala si Noel sa Amerika bilang repaint artist. Ang mga manika nire-repaint nagsilbing obra ni Noel.
Mas naging realistic ang larawan. Maging sa mga style ng buhok at damit, si Noel na din ang nagdisenyo.
Ngayon, isa si Noel sa mga hinahangaan ng mga collectors, doll enthusiast at artist sa larangan ng pag-customize at repaint ng mga dolls.
Ilan sa mga nagawa niya mga look-alike dolls ay sina Angelina Jolie, Emma Watson,Gal Gadot at syempre ang kanyang ultimate crush noon pang bata, si “Bionic Woman” na Jaime Sommers at personal pa niyang naibigay sa aktres.
Tila binuhay din ni Noel ang mga iconic celebrities gaya nina Audrey Hepburn, Elizabeth.
“I literally started from nothing, I am thankful I have the passion, because passion is very important, and you have to have the focus, just make it come to your heart. Motivation must be coming from the heart. If you have the drive and desire and passion to do something there is nothing impossible that can be achieved “
Pero sa lahat ng kanyang mga nagawang celebrity dolls ni Noel, pinakamahalaga, ang nilikha niya para sa kanyang ina.
“My mom in my life is a very influential figure, she really honed and molded us in a very solid way. Losing her at such a young age I felt so deprived and so to be able to create her doll, is like a tribute, my way of expressing my gratitude,”
“Every day I look at it, I feel like my mom is looking over me and just watching me and I hope she would approve of what I become today,” Dagdag ni Noel.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.