“Kung tsismoso man ‘to, mahaba ang dila o makati ang dila na akala mo dinapuan ng higad, wala kang karapatang gulpihin ito gaya ng ginawa mo.”
Ito ang mga salitang binitawan ng #ipaBITAGmo host na si Ben Tulfo kay Marvin Bernardo, isang bodyguard. Si Bernardo ay naka-assign kay Vice-Mayor Gilbert Oliveros ng Cavinti, Laguna.
Inireklamo sa BITAG si Bernardo ng ambulance driver na si Sharonie Javier dahil sa pambubugbog nito sa kaniya.
Dala ang kopya ng CCTV video, ipinakita ni Sharonie sa BITAG kung paano siya ginulpi ng bodyguard ni Vice-Mayor na si Bernardo.
Nikita sa CCTV video na habang nagse-cellphone si Sharonie sa labas ng munisipyo, bigla namang sumugod si Bernardo. Pinagsusuntok ni Bernardo si Sharonie.
Ayon kay Sharonie, hindi niya raw alam ang dahilan ang biglang panunugod at pambubugbog ni Bernardo sa kaniya.
Sa interview ng programing #ipaBITAGmo kay Bernardo, ipinaliwanag niya ang dahilan ng panggugulpi sa ambulance driver. Dala raw ito ng bugso ng kaniyang galit.
“Kilala po ‘yan dito sa bayan ng Cavinti Laguna na napaka tsismoso, napaka-daldalero. Lahat po ng nakaka-away po niyan puro babae, talagang tinatalakan niya. ‘Yan po ang trabaho niyan dito, manira ng kapwa. Tsini-tsismis ako nang tsini-tsismis sa buong bayan ng Cavintin kung anu-ano ang pinagsasasabi. Mahaba ang pasensya ko pero talagang napuno lang ako,” ani ni Bernardo.
Bagamat umamin si Marvin sa BITAG na mali ang kaniyang ginawang pananakit kay Sharonie, hindi pa rin siya nakaligtas sa hambalos ni Ben Tulfo.
“Empleyado ka ng gobyerno, physical injury ‘yang ginawa mo. Ikinatutuwa mo ba ‘yang pananakit mo nang dahil lang sa tsismis? Hindi uubra sa akin ‘yang siga mo kahit pa na sundalo ka, mali pa rin ang ginawa mo,” sagot ni Ben Tulfo
Samantala, nangako naman si Vice-Mayor Oliveros na papatawan niya ng disciplinary action ang nambugbog na bodyguard.
Kinabukasan, agad ipinatawag ni Vice-Mayor Oliveros ang nagrereklamong si Sharonie at bodyguard na si Bernardo.
Nagkasundo naman ang dalawang panig at kapwa nangakong hindi na mauulit ang mga nangyari.
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.