Taong 2018, binisita ng BITAG Crime Desk ang isang pamilya sa Dinalupihan, Batangas.
Ito’y matapos mabalitaan ng grupo ang kalunos-lunos na pagkamatay ng sang misis sa kamay ng sarılıng mister.
Ikinasal ang tubong Bataan na si Joy Adriano sa Bicolanong Rocel Dakila noong taong 2014.
Nagdesisyon ang mag-asawa na manirahan sa Dinalupihan, Bataan, sa poder ng mga magulang ni Joy.
Ang dating maliwanag at matatag na tahanan ng pamilya Dakila ay nabalot ng dilim. Ang ilaw at haligi ng tahanan, parehong sangkot sa malagim na krimen.
Gabi ng April 27, 2018 sa gitna ng isang masayang inuman ay bigla raw nagtalo ang mag-asawang si Rocel at si Joy matapos hanapin ni Rocel ang kanyang “magic beans.”
Sa oras na iyon ay hindi matukoy ni Joy kung ano ang “magic beans” na hinahanap ng kanyang mister dahilan para similar ang galit ni Rocel.
Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan sa Dinalupihan, nauwi sa saksakan ang mainit na argumento ng mag-asawa.
“Nagkaroon na talaga nung matinding pag aaway, umabot na nga sa saksakan, sa kwarto nilang mag asawa makikita mo na nagkaroon pa ng struggle o talagang lumaban ang ating biktima” ayon sa imbestigador ng kaso.
Nagtamo si Joy Dakila ng disi-otsong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Sa paggulong ng imbestigasyon ng mga kapulisan ng Dinalupihan, natuklasan nilang may dati na palang kinasangkutang kaso si Rocel Dakila sa probinsya nito sa Bicol.
Nahalungkat nila ang warrant of arrest ni Rocel para sa kasong Murder na isinampa laban sa kanya sa Legazpi, Albay.
Sa crime scene, narekober ng mga pulis ang kutsilyo at sangkalan ginamit ni Rocel sa pagpatay sa sariling asawa.
Balikan at panoorin ang buong imbestigasyon ng BITAG Crime Desk sa kasong ito;
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.