Inaresto ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) and apat na dayuhan kaugnay sa umano’y pagdukot at pagpatay sa isang Filipino-Chinese businessman sa Quezon City noong Marso 18.
Kinilala ng PNP-AKG ang mga naarestong suspek na sina Bei Huimin, 30; Jielong Shen, 26; Sun XiaoHui, 26, pawang mga Chinese; at Hong Puc Le, 33, isang Vietnamese national. Inaresto ang tatlo habang wini-withdraw ang ransom money sa isang bangko sa Parañaque City habang sii Hong naman ay naaresto din sa ganung akto sa isang bangko naman sa Taguig City.
Sa isang press conference kahapon (Marso 27), sinabi ni PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo na dinukot ang 62-anyos na biktimang Chinese-Filipino habang naglalakad ito sa tabing kalsada patungo sa kanyang hardware store sa Quezon City noong Marso 18.
Narekober sa Tanza, Cavite noong Marso 22 ang kanyang mga labi, na may mga senyales ng torture, kabilang ang naputol na daliri.
Ayon kay Fajardo, nakapagbigay ng halos P1 milyon na ransom ang pamilya ng biktima sa mga suspek.
Patuloy ang imbestigasyon ng PNP sa posibilidad na may sangkot din na mga Pilipino sa nangyaring krimen.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.