Nakatakdang muling sumabak sa aksyon ang “Angas ng Pinas” at dating three-division world champion na si Johnriel Casimero kontra kay WBO Global super bantamweight champion Filipus Nghitumbwa sa May 13 sa Okada Manila sa Parañaque City.
Si Casimero ay kasalukuyang rank no. 5 sa WBO. Siya ay may 32-4 win-loss record kung san 22 dito ay panalo via knockout.
Huling sumampa sa ibabaw ng lona ang Filipino slugger kontra kay Japanese boxer Ryo Akaho at nagwagi via second-round knockout victory noong Disyembre nakaraang taon sa Incheon, South Korea.
Samantala, may impresibong kartada na 12 wins, 1 loss at 11 knockouts naman ang makakalaban niyang South African boxer na si Nghitumbwa. Siya ay kasalukuyang rank no. 12 sa WBO.
Ang napipintong bakbakan ng dalawang boksingero ang kauna-unahang laban ng 34-anyos na si Casimero sa ilalim ng Japanese boxing promotion na Treasure Boxing.
Matapos umangat sa 122 pounds, sinabi ni Casimero na si Japanese boxing superstar Naoya “The Monster” Inoue parin ang inaasam niyang makakasagupa sa naturang dibisyon sa hinaharap.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.