Isang pulis at umano’y kalaguyo nito ang inaresto ng mga pulis matapos silang mahuli ng kanyang asawa, isa ring pulis, sa loob ng isang inn sa bayan ng Talibon, Bohol noong Martes.
Ayon sa mga awtoridad, ang asawa ng pulis na babae ang naging complainant at hiniling sa pulisya ng Talibon na arestuhin ang kanyang asawa at ang sinasabing kalaguyo nito.
Ang mga naaresto ay isang 38-anyos na police corporal mula sa Tipolo, Mandaue City at ang 28-anyos na patrolwoman, residente ng Barangay Poblacion, Talibon. Parehong nakatalaga sa Police Regional Office (PRO)-7.
Ayon sa imbestigador ng Talibon Police Station na si Police staff Sergeant Rodel Garcia, naghinala ang mister na may karelasyon ang kanyang misis dahil sa training nito ay may narinig itong mga kuwento tungkol sa pakikipagkita nito sa iba.
Dagdag pang sinabi ni Garcia na nakumpirma ang hinala ng mister nang may tumawag sa kanyang misis noong Lunes ng gabi.
Ang dalawang pulis ay pansamantalang nakakulong sa Talibon Police Station.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.