Hinostage ng ama ang sarili nitong bunsong anak na babae sa Barangay 408 sa Sampaloc, Maynila nitong Martes matapos mag away ang suspek at asawa nito.
Ayon sa imbestigasyon ng pulis, nagaway ang lalake at kaniyang asawa kaya umalis ang babae na kasama ang dalawang anak nila. Naiwan sa bahay ang anim na taong gulang na babae na noon ay natutulog.
Nalaman naman ng mga pulis ang pang hohostage matapos mag sumbong ang isang concerned citizen nang makita nito sa rooftop ng gusali ang suspek at ang anak nito.
Agad na pinalibutan ng mga pulis ang gusali at nailigtas sa kapahamakan ang bunsong babae.
Ayon sa suspek, nagawa niya lang ang pang hohostage sa sarili nitong anak upang mapilitang umuwi ang kanyang mag-iina.
Hindi naman lubos maisip ng maybahay na hahantong sa pangho-hostage ang kanilang away.
Posibleng maharap sa kasong alarm and scandal ang suspek kung nanaisin ng pamilya na ireklamo ito.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.