Taong 2003, ika-29 ng Marso, ika-34 na anibersaryo noon ng pagkatatag ng New People’s Army o NPA.
Ito rin ang araw nang personal na masaksihan ng BITAG ang bakbakan sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army sa mga pinaghihinalaang miyembro ng NPA.
Ang anibersaryo, naging madugo dahil sa engkuwentro na naganap sa boundary ng Pandi at Angat Bulacan
Dalawampung taon na ang nakakalipas, sariwa pa rin sa BITAG ang bawat pangyayari’t kaganapan ng madugong engkwentro.
Sa loob mismo ng armored personnel carrier o V-150, eksklusibong nakasama ang isang segment producer ng BITAG sa msg sundalong magsasagawa ng “clearing” at rescue operation.
Hindi naging madali ang misyon dahil walang puknat na niraratrat ng mga NPA snipers ang tangkeng sasakyan ng mga otoridad. Nahirapan ang mga alagad ng batas na makuha ang mga sugatang pulis sa “battle ground”.
Sa gitna ng matinding putukan, tatlong pulis ang nai-rescue at naisakay sa V-150. Subalit isa dito ang binawian ng buhay.
Sa kabuuan, limang pulis, dalawang sundalo at tinatayang nasa 20 communist rebels ang napatay sa nasabing bakbakan.
Dalawang dekada man ang nakaraan, isa ang coverage na ito sa mga hindi malilimutang episode ng BITAG mula nang maipalabas ang programa sa telebisyon. Mga aktuwal at totoong pangyayari.
Hanggang ngayon, napapanood pa din ito sa aming Youtube channel.
Panoorin ang BITAG Classic :
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.