HINDI ko alam kung saan kumukuha ng tibay ng sikmura at laman loob itong International Criminal Court (ICC).
Nagmamatigas. Patuloy pa rin ang pambabastos at pangingialam sa soberanya ng Pilipinas.
Hindi nirerespeto ang umiiral na criminal justice system sa ating bansa. Wala silang ibang inatupag kundi silipin at imbestigahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Matagal na ang isyung ito. Panahon pa ng dating administrasyon pinagpipilitan na nilang manghimasok sa ating hukuman. Nakaupo pa noon sa Senado at Kongreso ang mga pulitikong bumubula ang bibig na nag-uudyok sa ICC na kalkalin ang isyu ng human rights.
Si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos nabwisit na rin. Disente pa nga ang presidente. Hindi na raw makikipag-ugnayan ang Pinas sa ICC. Tinuldukan na ni PBBM ang pagmamatigas ng ICC na imbestigahan ang drug war ni PRRD.
Kung kay Pangulong Duterte ‘yan siguradong makakatikim ng mura ang mga opisyal ng International Criminal Court. Sinopla sila noon kaya hindi sila nakaporma. Hanggang sa nag-withdraw na ang Pilipinas sa Rome Statute.
Walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas. Wala ring dahilan para mag-imbestiga dahil buhay na buhay at gumaganana ang ating hukuman.
Hindi tayo tulad ng ibang mga bansa na nilalabag ang karapatang pantao at pinamumunuan ng mga diktador.
Pero itong ICC, talagang pursigido. Kaya ang mensahe nalang sa kanila ni Justice Secretary Boying Remulla, good luck!
Kapag pinagpilitan daw ng ICC na mag-imbestiga, hindi sila makakapasok sa Pilipinas para ipairal ang kanilang rule of law.
Hindi sila magiging lehitimo dahil ang rule of law dito ay gawa ng mga Pilipino para sa Pilipino, hindi gawa ng mga puting unggoy. Sabi yan ni Sen. Jinggoy. As in white monkeys.
Si Russian President Vladimir Putin nga pinagtawanan lang ang inisyung warrant of arrest ng ICC. Subukan daw nilang arestuhin siya at pasasabugin nya ang headquarters nila sa Netherlands gamit ang hypersonic missile.
Biglang nabahag ang buntot ng ICC.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.