Dahil patuloy na pagiging in-demand ang Pinoy nurses sa abroad, posibleng na magkaroon ng shortage ng mga nurse sa bansa.
Ito ang binigyang diin ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa pakikipagpulong niya sa Private Sector Advisory Council (PSAC) Healthcare Sector.
Malaking epekto ang kakulangan ng mga nurses sa pagbibigay ng mas epektibong healthcare sa bansa.
“We have to be clever about the healthcare manpower. Our nurses are the best, buong mundo na ang kalaban natin dito. Lahat ng nakakausap kong President, Prime Minister, ang hinihingi more nurses from the Philippines,” wika ni Marcos.
Humiling din ang Pangulo ng mga konkretong hakbang mula sa Commission on Higher Education (CHED) upang mapanatili ang mga Filipino nurses sa bansa.
Samantala sinabi ni Department of Health (DOH), officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, pinag-aaralan na nila na magkaroon ng standard na pasahod at benepisyo para sa mga nurses, doctors at health workers sa bansa.
Tinitignan na din nila ang status ng panukalang batas na Magna Carta for Public Health Care Workers at Philippine Nursing Act, na parehong naglalayong magbigay ng mas maraming benepisyo sa mga medical professionals.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.