Alas-10 ng gabi ng December 1, 2021, nakaladkad ng isang 10-wheeler truck ang massage therapist na si Maria Theresa Cortezano sa may bahagi ng Payatas, Quezon City.
Sakay ng kaniyang motor, pauwi na mula sa trabaho si Cortezano. Sa kasamaang palas, naputulan ng kaliwang braso ang masahista.
“Kung hindi pa may nagmagandang-loob na motorista na nagsabi sa driver ng truck na nakaladkad na ako, hindi pa siya titigil. Dinala po ako agad sa East Avenue Medical Center.”
Ayon sa biktima, umabot sa P280,000 ang kaniyang naging bayarin sa ospital. Sa kabila nito, P50,000 lang daw ang itinulong ng JCRCC sa kaniya.
Dahil sa paglapit niya sa mga ahensiya ng gobyerno, nabayaran niya ang kabuuan ng kaniyang hospital bills.
“Wala akong balak manghingi ng milyon-milyon sa kanila, gusto ko lang po ‘yung sapat na makapagsimula ako para matustusan ang mga anak ko,” paliwanag ni Theresa.
Sa blotter report ng Quezon City Police District – Traffic Sector 5, ang nasabing truck ay pag-aari ng JC Rodriguez Construction Company (JCRCC) sa Rodriguez, Rizal.
Sa inisyal na pakikipag-ugnayan ng BITAG sa JCRCC, tumanggi tong magma-interview sa telebisyon.
Ayon sa isang nagpakilalang Human Resource staff ng kumpanya, wala raw kasalanan ang kanilang driver sa nangyaring aksidente.
“Dapat ipasilip kung ang kanilang truck ay may insurance. Yung 3rd party insurance liability na maaaring lost of limb or anything kung saan insurance ang magkocompensate sa biktima,” mariing pahayag ni Ben Tulfo, host ng programming #ipaBITAGmo.
Samantala, namagitan rin sa reklamong ito Rodriguez, Rizal Vice Mayor Edgardo Sison. Ipinatawag niya sa kaniyang tanggapan ang representante ng JCRCC at ang biktima kasama ang BITAG.
Bagamat inamin ng representante ng JCRCC na may 3rd party liability insurance ang kanilang mga truck, may limitasyon lamang ito. Subalit, makakatulong para makapagsimula sa bucai ang biktima at kaniyang mga anak.
Bilang paunang tulong, nag-abot ang JCRCC at ang opisina ng vice mayor ng cash assistance kay Theresa.
Panoorin ang buong imbestigasyon ng BITAG:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.