Taong 2009, lumapit sa BITAG Action Center ang isang mag-asawa upang ireklamo ang ilang pulis ng Rizal Police Provincial Station sa Hilltop Taytay Rizal.
Ang sumbong, hulidap (huli at holdap).
Bukod rito, ang misis na bagong panganak pa lang noon, ginahasa ng isa sa mga umarestong pulis.
Salaysay ng misis sa BITAG, pinasakay umano siya ng isang P01 na pulis sa motor nito upang samahan na humiram ng perang pampiyansa para sa kaniyang mister.
Subalit, sa “biglang-liko” na isang resort-motel siya dinala ng pulis at doon isinagawa ang panghahalay.
“Pagpasok tinulak niya ako, (sabi ng pulis) maghubad kana. Basta sumunod ka, kung ayaw mo mamatay ang asawa mo, pati ikaw papatayin na rin namin.”
“Papatayin kita kung ‘di mo gagawin ang gusto ko, tapos yun nagawa niya ang gusto niya sir,” umiiyak na pagkukuwento ng biktima sa BITAG.
Nang bisitahin ng grupo ng BITAG ang Hilltop Provincial Police Station sa Taytay, Rizal, itinuro ng biktima ang motorsiklo ng PO1 na nanghalay sa kaniya.
Nakumpirma ng BITAG ang pagkakakilanlan ng mga Hilltop Police na sangkot sa ginawang krimen sa mag-asawa.
Sa pakikipagtulungan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Camp Crame, isinagawa ang tactical interrogation sa mga inirereklamong pulis.
Panoorin ang aktuwal na pagtatagpo ng BITAG at ng mga inirereklamong pulis sa link na ito:
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.