Suntok at mura ang inabot ng isang personal driver matapos niyang awatin sa pakikipag-away ang kaniyang among Chinese sa isang beerhouse sa Divisoria.
Apat na taon ng nagmamaneho si Virgilio Lovindino Jr. Madalas daw siyang murahin at saktan ng among si Willie Choi lalo na kung ito ay nalalasing.
Nitong a-11 ng Marso ang pinakuhuling insidente kung saan pinagsusuntok at pinagmumura siya ng amo pagkauwi nila sa bahay.
Noong gabi ding ‘yun, pinagbantaan siya ng kaniyang amo. Sa takot ay lumapit si Virgilio sa BITAG.
“Wala akong pakialam kahit saan ka pa magsumbong! Hindi ako natatakot, marami akong pera,” banta umano ng among si Willie kay Virgilio.
Hindi naman tumangging sagutin ng among si Willie ang reklamo laban sa kaniya. Sa programang #ipaBITAGmo sa telebisyon, kinumpirma niyang lasing siya noong gabing ‘yun.
“Talaga pong nalasing lang ako, talaga pong nasuntok ko. Suntok lang pero ‘di bugbog. Kaya nga po pinapakiusapan, dalawang beses kaming nakiusap at humihingi ng sorry pero sabi niya mag-iisip pa siya,” paliwanag ni Willie kay Ben Tulfo.
“Willie, ‘pag inulit mo ‘to, ‘pag sinuntok mo ito ulti, ako na makakabangga mo. Hindi ako nagbibiro Willie. Gusto ko bumalik siya [Virgilio] sa’yo,” mensaheng iniwan ni Tulfo sa inirereklamong amo.
Nangako ang inirereklamong amo na hindi na niya uulitin ang nagawang pananakit sa kaniyang driver.
Nagbigay rin ito ng halagang P20,000 sa pobreng driver bilang paumanhin sa nagawang pagkakamali.
“Ang mga tao natin, mahalin natin dahil naninilbihan sila sa atin. Pinagsisilbihan nila tayo. Kung wala sila, hindi magiging magaan ang takbo ng buhay natin dahil kinakailangan natin ng alalay,” paalala ni Tulfo.
PANOORIN ang buong kwento:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.