Taong 2019, kainitan ng online gaming. Bata, matanda, estudyante at propesyunal man, nahumaling sa iba’t-ibang games online.
Sa taon ding ito lumapit sa BITAG Action Center ang millennial na inang si “Maria”, hindi tunay na pangalan.
Mula Bacolod ay lumuwas ng Maynila si “Maria” kasama ang kaniyang mister para ireklamo ang isang gamer na nakilala niya online.
Pamba-blackmail, panggigipit at pamamahiya ang sumbong ni Maria laban sa online gamer.
Binabantaan umano siya nito na patuloy na guguluhin ang kaniyang buhay at hindi titigilan ang pamamahiya sa social media kapag hindi nakipaghiwalay si Maria sa kaniyang asawa.
Para tumigil sa krimeng kaniyang ginagawa, pinapaluwas ng suspek si Maria sa Pasay para makapag-motel at doon mag-usap.
Bihasa na ang BITAG sa mga ganitong uri ng kaso. Isa ang BITAG sa mga instrumento ng ngayo’y batas ng Republic Act 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of the Philippines.
Sa pangunguna ni Ben Tulfo, pinagplanuhan ang gagawing patibong para masilo ang inirereklamong gamer.
Nakipagtulungan din ang noo’y hepe ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) na si Gen. Guillermo Eleazar sa sumbong na ito.
Isang matagumpay na operasyon ang ikinasa ng mga operatiba ng NCRPO laban sa suspek.
Agad itong kinuwelyuhan ng mga operatiba nang lumapit at ayain paalis ang biktimang si “Maria.”
Paliwanag ng suspek nang kumprontahin ni Tulfo, nagawa niya ang pamba-blackmail nang makipaghiwalay sa kaniya si “Maria.”
Ang kumpletong detalye at mga rebelasyon sa sumbong na ito, panoorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.