Dalawang dekada nang kalbaryo ng Brgy. Cadahunan Burauen, Leyte ang pang-araw-araw na transportasyon ng mga residente.
Ayon kay Roselyn Ogsimer, kailangan nilang tawirin araw-araw ang rumaragasang ilog para lang makapunta sa bayan at kabilang Barangay.
Mula Leyte ay bumiyahe pa si Roselyn pa-Maynila upang personal na iparating sa BITAG ang sitwasyon ng mga residente sa kanilang barangay.
Isang video ang ipinakita ni Roselyn sa BITAG kung saan tulong-tulong ang mga residente sa pagtatayo ng tulay na gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy lamang.
Madalas daw masira ang kanilang itinatayong tulay lalo na sa tuwing tumataas ang tubig ng ilog.
Sa interview naman ng BITAG kay Kap. Jonathan Ogsimer, Barangay Chairman ng Brgy. Cadahunan, alam daw ng kanilang lokal na pamahalaan ang kanilang mahirap na sitwasyon.
Hinaing ni Kap. Jonathan at ni Roselyn, pakinggan sila ng kinauukulan na mapansin ang kanilang paghihirap. Dalawang dekada na raw silang humihingi ng tulong sa gobyerno.
Sinubukan ng BITAG na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Burauen Leyte.
Hindi nagpaunlak ng panayam ang tanggapan ni Mayor Juanito Renomeron. Ayon sa kaniyang staff, “busy” umano ang alkalde, walang oras para sa interview ng BITAG sa telebisyon.
Samantala, si Leyte 2nd District Representative Lolita Javier, nangakong sasagot sa interview.
A-30 ng Marso, sa araw ng interview sa programang #ipaBITAGmo sa telebisyon, hindi sumasagot si Cong. Javier. Maging ang kaniyang tanggapan sa kongreso, nagri-ring lamang at walang sumasagot sa telepono.
Abangan ang susunod na aksiyon ng BITAG sa sumbong na ito.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.