Sampung bilanggo ang pumuga sa detention facility sa Malibay Substation 6 sa Pasay City madaling araw ng Lunes Santo, April 3, 2023.
Nang makalabas ang tatlong pugante, binugbog ng mga ito ang duty officer, kinuha din ang baril, pera at susi ng isa pang selda kung saan nakatakas din ang pitong iba pang preso.
Agad nagsagawa ng manhunt operation ang mga operatiba ng Sub-Station 6, Intelligence Unit, SDEU, IDMS at iba pang police Sub-Stations sa Lungsod ng Pasay.
Nahaharap sa iba’t ibang mga kaso kabilang na ang pagnanakaw, carnapping, at paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nakataas bilanggo.
Sinibak naman sa pwesto ang commander ng Malibay Police Station PMaj. Jerry Sunga, matapos ang insidente.
Sa manhunt operation, naaresto ang kanina ang dalawa sa sampung preso na nakatakas.
Nakilala ang mga ito na sina Joey Hernandez at Eden Garcia na kapwa nahaharap sa kasong illegal drugs.
Patuloy pa din nagsasagawa ng manhunt operation sa walo pang nakatakas na bilanggo
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.