Natagpuan sa bunganga ng isang buwaya at wala nang buhay ang isang 2 taong gulang na bata na nawawala sa Florida, USA.
Kinilala ang bata na si Taylen Mosley. Una siyang naiulat na nawawala matapos ang kanyang ina, si Pashun Jeffery, 20, ay natagpuang patay sa kanyang apartment matapos magtamo ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ang suspek ang mismong ama ng bata na kinilalang si Thomas Mosley.
Ayon sa St. Petersburg Police, habang umiikot ang mga pulis sa Dell Homes Park nakita nila ang isang bagay na may may isang bagay sa bibig nito.
Pinaputukan ng mga pulis ang nasabing buwaya at doon nadiskubre ang katawan ni Taylen.
Ang Dell Homes Park ay tinatayang nasa 10 milya ang layo sa apartment kung saan natagpuang patay ang ina ni Taylen.
Kasalukuyan pang tinutukoy ng mga medical examiner ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng bata at kung paano ito nakarating sa park..
Samantala, ang suspek na si Thomas, ay bantay sarado sa ospital dahil sa tinamong sugat sa braso at kamay.
Mahaharap siya dalawang kaso ng first degree murder.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation today said it has ordered one of its licensees
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.