Hindi na nagulat si Pamplona mayor Janice Degamo sa mga itinurong mastermind sa pagpatay sa kaniyang asawa na si dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sa panayam ng Dateline Philippines ng ANC, sinabi ni Degamo na lampas dalawang taon nang pinaplano umano ni Marvin Miranda ang pagpatay sa kaniyang asawa.
Umano, nahuli na noon si Miranda noong 2020 sa Caticlan dahil sa dala-dala nitong mga armas.
“May nakita po kami doon sa tactical report. We were furnished a copy of the tactical report when he was interviewed during the time na na-intercepted sila sa Caticlan so I was reading it and inamin niya na tao siya ni Congressman (Arnulfo) Teves,” ani Degamo.
Lunes ng umaga nang pangalanan ni Justice Secretary Crispin Remulla si Miranda bilang isa sa masterminds umano sa pagpatay kay Governor Degamo.
“Kung sa sine, Cong. Teves is the executive producer and producer and he is the director and casting director,” pahayag ni Remulla.
Noong Biyernes (March 31) ay sinabi ni Remulla na nahuli na ng NBI ang sinasabing isa sa mga ‘main players” ng pagpatay kay Degamo.
“Siya yung kausap lagi na kumuha ng tao, kumuha ng armas…Pati yung magrerecruit ng tao,” ani Remulla na nagkumpirma na si Miranda ang kaniyang tinutukoy.
Nahuli na noon si Miranda sa planong pagpuslit ng mga umano’y hindi lisensiyadong armas noong June 29, 2020 sa Malay, Aklan.
Ilang araw matapos noon ay nagsagawa ng press conference ang mag-asawang Degamo upang ipaalam na ang mga nahuling armas ang gagamitin umano sa pagpatay sa kanilang asawa.
Sinabi din ni Degamo na kanilang sinulatan at nilapitan ang ilang mga senador maging si Pangulong Duterte upang hingan ng proteksyon sa umano’y planong pagpatay sa kanila.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.