Nahuli na ang tatlong suspek nitong linggo dahil sa pang-hoholdap sa isang estudyante matapos mag viral ang isang video kung saan ay hinabol ng mga rider ang mga holdaper sa Fairview, Quezon City.
Ayon kay Jett Lau na isa sa mga humabol sa tatlong suspek, hinabol nila ang tatlong lalaki dahil nang-holdap ito at nang-agaw ng bag sa isang babaeng estudyante.
“Sabi ko, anong nangyari? Hinoldap daw iyong estudyante. So hinabol ko. Malaking motor iyong dala ko eh, kaya naabutan naman natin kaya lang medyo nahirapan kami sumingit,” saad ni Lau.
Naisip din ni Lau na sipain ang motor ng mga suspek ngunit nagbago ang isip nito dahil baka sumemplang, maaksidente, at mamatay ang mga ito.
Kaya’t nagawa nalang ni Lau na ipavideo sa asawa nito ang paghahabol sa mga suspek.
Kalaunan ay hindi na nahabol pa ang mga suspek at nakatakas ang mga ito. Ngunit dahil sa kitang-kita sa viral video ang mga mukha ng mga suspek ay natunton sila ng mga pulisya.
Arestado ang tatlong suspek na sina Blasel Vacaro, Johnric Baran, at Patrick Santos sa ginawang followup operation ng QCPD station 16.
Ayon kay QCPD Station 16 commander Police Liutenant Colonel Vicente Bumalay Jr. “Napakalaking bagay nun (video) dahil nakuha natin mukha ng mga suspek at the same time nakuha natin ‘yung motor vehicle number ng motorsiklo,”.
Nahaharap sa reklamong robbery at holdap ang tatlong suspek.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.