Tuloy pa rin ang aktibidades sa bansa ng mga sindikatong nasa likod ng human trafficking.
Sa paglipas ng panahon, naging mapamaraan ang mga sindikato na maisagawa ang kanilang krimen.
Ilan sa kanila, nagagawang makipagsabwatan sa mga immigration officers ng mga paliparan.
Kamakailan, nabunyag sa Senado ang human trafficking operation ng mga Chinese mafia na bumibiktima sa mga Pilipino upang gawing cryptocurrency scammer sa Cambodia.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nasangkot ang ilang ahente ng Bureau of Immigration.
Kaya naman, patuloy na pinag-iingat ang publiko. Tiyaking dumadaan sa legal na proseso ang paga-apply at pamamasukan sa ibayong-dagat.
Ang mga kaso ng human trafficking ay hindi na bago sa BITAG.
Sa 21-taon industriya ng public service at imbestigasyon sa telebisyon, iba’t-ibang klase ng kalsong human trafficking ang natrabaho na ng BITAG.
Taong 2012, nang lumapit sa BITAG ang dalawang ginang, ang kanilang mga anak na babae nabiktima ng human trafficking.
Nirecruit daw ang kanilang mga anak na maging waitress sa Malaysia. Subalit pagdating sa Malaysia, napilitan silang magbenta ng laman o maging prostitute.
Nakipag-ugnayan ang BITAG sa Department of Justice (DOJ) Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) upang agarang mai-rescue ang mga biktima.
Sa pagi-imbestiga ng IACAT, nadiskubreng sangkot din ang ilang uniformed personnel ng Malaysia sa operasyon ng nasabing kaso ng human trafficking.
Panoorin ang isinagawang pagrescue IACAT at BITAG sa mga biktima ng human trafficking sa Malaysia:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.