Nanginginig sa pinaghalong takot at galit ang tatlong (3) Singaporean citizens na lumapit sa BITAG, taong 2020.
Isang buwan bago magdeklara ng pandemya sa buong mundo, nakipila ang magkakapatid na recording artists din ng Kapamilya Network.
Sa tulong ng internet, nahanap nila ang programang BITAG. Naghahanap ang magkakapatid ng mahihingian ng tulong dahil sa panloloko at pananakot ng kapwa talent sa nasabing network.
Pagbabahagi ni Laura (hindi tunay na pangalan) sa BITAG, inalok daw siyang magfinance at kumuha ng iba pang performers sa gaganaping Music Festival sa Iloilo.
Bilang kasamahan sa industriya at kaibigan ay nagtiwala si Laura at pumayag sa proyekto.
“The agreed amount was 507,000, they bargained us. I delivered the artists, I delivered everything. Our friends got paid, kami ang hindi nabayaran,” nanggagalaiting salaysay ni Laura sa BITAG.
Matapos ang event ay iniwan silang magkakapatid sa Iloilo. Imbes kausapin ay binantaan pa raw siya ng kaniyang kaibigan.
Pananakot daw nito, madali lang silang maipapakulong dahil Congressman ng probinsiya ang kaniyang boyfriend.
Nais makuha ni Ben Tulfo ang panig ng inirereklamong ABS-CBN talent. Hindi itinanggi ni “Kaye” (hindi tunay na pangalan) ang naging usapan nila ng nagrereklamong si Laura.
Binigyan ng pagkakataon ni “BITAG” na mag-usap ng maayos ang dalawa sa telepono.
Subalit mula sa mga kasagutan ni Kaye, nakita ni Tulfo ang panlilinlang sa magkakapatid na Singaporean talents.
“Pinakikinggan kita eh, pinakikinggan ko ‘yung train of thoughts mo, yung reasoning mo. Apparently you are the problem. What you did is something so foul. That you left them in the dark. You’re taking advantage of this people na bata pa ‘to at ang kanyang mga siblings. I can’t understand why you’re making a hard time for this person. Do not force me to get into the picture hindi niyo magugustuhan ito.”
Tinanggap ng inirereklamong si “Kaye” ang imbitasyon ni Tulfo sa kaniyang tanggapan. Pumayag itong magkaharap at mag-usap ng personal ng kaibigang si “Laura.”
Sa araw ng paghaharap, si “Laura” lamang ang dumating sa tanggapan ng BITAG.
Dala ang magandang balita na ipinadala na ni “Kaye” sa kaniyang bangko ang kabuuang bayad ng kanilang proyekto.
Panoorin ang buong detalye ng sumbong na ito aming Youtube channel sa link na ito:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.