Lumang tugtugin na ang modus na “love scam” o “online romance scam” pero marami pa rin ang nabibiktima.
Ang mga target victim, babaeng may mga edad na o hindi naman kaya ay mga babaeng byuda. Ang modus, isinasakatuparan sa social media.
Sa mga nahawakang kaso ng BITAG, paboritong gamiting bansa ng mga dorobo, bansang Amerika.
Hindi sila natatawagan sa pamamagitan ng video call. Ayaw nilang magpakita ng hitsura dahil mabibisto ang kanilang modus operandi. Sila ang nagdidikta, chatting lang.
Ang kanilang estilo, maghahanap sila sa social media na pasok sa hinahanap nilang “profile.” Liligawan ang biktima hanggang mahulog ang loob sa kanila at kalauna’y papangakuan. Ang magic word, package.
Ito daw ang package na naglalaman ng dolyares at mga papeles na gagamitin daw ng pobreng ale sa pag-aayos niya ng mga dokumento. Ipapadala daw sa pamamagitan ng courier services na kung uusisain, inimbentong pangalan.
Ang siste, bago daw makuha ng target victim na isa ring willing victim ang package sa Bureau of Customs, kailangan daw muna niyang magbayad ng pera.
Ganitong ganito ang estilo nang panggagantso kay Isabel. Pinaniwala siya ng ‘kanong kausap nya na siya raw si Roman Reigns, ang sikat na sikat na WWE professional wrestler sa Florida, United States.
Makalipas daw ang apat na buwan nilang online romance, sinabihan daw siya ni “Roman Reigns” na kailangan niyang magbayad ng P15,000 para mapabilis ng Customs ang paglalabas ng package na ipinadala sa kaniya. Naglalaman daw ito ng simcard galing US, VIP card, invitation at $20,000.
Dahil nasilaw sa laman ng package, agad daw nagbayad ng P15,000 si Isabel sa ibinigay ng ‘kano na GCash number.
Makalipas ang ilang linggo, hiningan daw ulit si Isabel ng $5,000. Dahil wala namang ganung kalaking pera ang ginang, nagduda na sya at nagsumbong sa #ipaBITAGmo. Dito lang niya nakumpirma na biktima siya ng love scam.
Hindi na bago ang panlolokong ito sa internet.
Patuloy na babala ng BITAG sa mga naghahanap ng pag-ibig online, huwag magpapaniwala sa mga nakakausap ninyo. Kahit sino pwedeng maging sino sa social media.
Maging paladuda sa lahat ng oras. Mas maganda nang praning kaysa luhaan.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.