Mula Bukidnon ay dinayo pa ni Neva Jean Arante ang BITAG Action Center sa Quezon City upang ireklamo ang sariling tiyahin.
Ang tiyahing si Paterna Salceda ang binilhan ni Neva Jean ng 2nd hand na Toyota Hi-Ace van, taong 2022.
Ang kanilang napagkasunduan, P35,000 kada buwan para mabayaran ang kabuuang halagang P420,000.
Dalawang buwang hulog pa lamang ang nai-settle ni Neva Jean sa tiyahing si Paterna.
December 2022, nasangkot sa bangaan ang minamanehong van ni Neva Jean at kaniyang mister. Idineklarang “total wreck” ang kanilang sasakyan.
Subalit, ayon kay Neva Jean ay biglang nagka-interes ang kanyang tiyahin matapos malaman na may P300,000 na makukuha mula sa insurance ng van.
Ayar pumayag ni Neva Jean na ang kaniyang tiyahın ang kukuha ng insurance dahil nasa pangangalaga niya na ang van nang mabangga ito.
“Hindi mo kagustuhan ang nangyari pero mukhang dehado ka kasi may utang ka pa sa tiyahin at naka-pangalan pa rin sa tiyahin mo yung sasakyan hanggat hindi mo nababayaran ng buo,” paliwanag ni Ben Tulfo sa kaniyang programang #ipaBITAGmo.
Nakipagmatigasan rin ang tiyahing si Paterna nang tawagan ito ng BITAG.
Diin ni Paterna, sa kanya pa rin nakapangalan ang sasakyan pati ang insurance nito.
Dagdag ni Paterna, nagkaroon na siya ng agreement sa bus company na nakabunggo sa kanyang van. Papalitan na lang ng brand new at 2023 model ang van na nabangga.
“May agreement na po kami ng bus company at on the way na po ang bagong unit,” paliwanag ni Paterna.
Nagkasundo ang magtiyahhin na ibabalik na lang ni Paterna kay Neva Jean ang P70,000 na kanyang unang naihulog sa van.
Panoorin ang buong imbestigasyon ng BITAG sa kasong ito;
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.