MALAKING sampal sa mukha ng pamunuan ng National Center for Mental Health (NCMH) ang kalunos-kunos na kalagayan ng mga pasyente sa pasilidad.
Kung hindi pa nagsagawa ng surprise visit si Senator ‘Tol Raffy, siguradong patuloy lang ang kanilang kapabayaan.
Salamat sa isang tip kay Senator ‘Tol Raffy. Ang mga pasyente daw sa mental facility hindi tina-trato ng tama at masahol pa sa hayop kung tratuhin.
Natutulog sa sahig ng walang sapin, walang unan, walang kumot at parang mga sardinas daw sa loob. Ang mas nakakagalit pa, ang nakakasulasok na amoy sa loob ng Pavilion 8 o female ward, ayon sa sumbong.
Naghalo ang amoy ng mga dumi at ihi ng mga pasyente. Dagdag pa rito ang umaalingasaw na imburnal sa labas ng ward na maraming basurang lumulutang-lutang.
Kaya si Senator ‘Tol Raffy sumiklab ang galit. Halos bumaliktad ang kaniyang sikmura sa sobrang baho ng masangsang na naghalong amoy ng dumi at ihi ng mga pasyente.
Kaya ang suhestyon niya, maglagay ng mga humidifier, mag-install ng mga automatic round the clock disinfectant spray machine at regular na paglilinis sa mga ward two, times a day.
Sino nga ba naman ang matutuwa sa kawawang kalagayang ito ng mga pasyente sa loob ng mental facility? Wala silang kalaban-labang pinababayaan. May problema na nga sila sa pag-iisip, hindi pa inaalagaan ng maayos at tama.
Hindi naman siguro mga bulag, pipi at bingi ang pamunuan ng National Center for Mental Health. Nasa ilalim ito ng pangangasiwa ng Department of Health (DOH). Susmaryosep!
Kaya tama si Senator ‘Tol Raffy, naghain ng Senate Resolution 562 na naglalayong imbestigahan ng Senado ang kalagayan ng mga pasyente sa loob at ang umano’y korupsyon sa NCMH.
Seryoso ang bagay na ito. Ang gusto lang natin ay ang makataong pagtrato sa mga kababayan nating “wala sa sarili” at may karamdaman sa pag iisip.
May mga mata naman siguro at pang-amoy ang pamunuan ng ‘Mental.’ Sana nagrerekomenda kayo ng mga polisiya at pagbabago dyan sa loob. Hindi ‘yung mga flower vase lang kayo at tumatanggap ng sweldo. Isipin nyo nalang na kapamilya nyo ang mga nasa pangangalaga ninyo. Pamunuan ng NCMH at DOH, sana nagising na kayo! Umaalingasaw ang baho ninyo. Nakakahiya!
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.