HINDI trabaho ng BITAG na pumuna at manghimasok sa anumang isyu ng mga tanggapan, gobyerno man o pribado.
Kapag inireklamo kayo sa BITAG nangangahulugan lang na mayroong uring pang-aabuso, pagmamalabis, kalituhan sa sistema o ‘di naman kaya may nangangailangan ng linaw.
Ang mga pobreng indibidwal, mas pinipiling pumunta sa BITAG Action Center kaysa dumulog sa mga inirereklamo nilang tanggapan.
Hindi namin sila masisisi. Sa tagal nang panahon, nabuo na ang kanilang tiwala sa BITAG. Kasama na rin sa dalawa ko pang kapatid na sina Senator ‘Tol Raffy at Erwin Tulfo.
Marunong kaming umunawa, maawa, tumayo at magtanggol.
Madali kaming lapitan, madali kaming takbuhan at madali kaming umaksyon. Serbisyong Tulfo, Tatak Tulfo, Tulong Tulfo.
Hindi kami umaastang mga boss na akala mo kung sinong utot na nagmamando.
Hindi kami mga entitled. Wala kaming pabor o anumang bagay na hinihingi maliban sa paliwanag at makuha ang kanilang panig hinggil sa reklamo laban sa kanila. Ito ay pagiging balanse bilang mga totoong mamamahayag.
Lalong hindi kami mga privacy invader. Bago kami pumunta sa inirereklamong tanggapan, uulitin ko mapa-gobyerno man o pribado nakikipag-ugnayan muna kami sa kanila. Hindi kami basta bastang sumusugod na parang nga vlogger para lang mayroon silang content at pagkakitaan.
May ilan kasing mga tanggapan na kapag pinuntahan ng BITAG, nakikipagmatigasan na kaagad at sasabihing feeling entitled at privacy invaders ang aming grupo.
Sa halip na matuwa pa dahil direkta na naming ipinarating ang reklamo laban sa kanila, ayaw pang makipagtulungan.
Imbes na harapin at aksyunan ang reklamo kung ano ano pa ang mga pinagsasabi. Ang estilo naman ng iba. kapag nakatalikod na ang BITAG saka nila pinagagalitan ang mga pobreng complainant, sana raw hindi na nila pinaabot sa amin. Kun’di ba naman mga sangkaterbang ob-ob.
Araw-araw, daan daan ang mga pumupunta sa #ipaBITAGmo.Lahat ng kanilang mga reklamo at sumbong, pinapakinggan at iniimbestigahan namin.
Karamihan sa kanila nagmula pa sa mga malalayong probinsya ng Luzon, Visayas, Mindanao at mga galing pa sa ibang bansa. Sinikap na makarating sa amin para lang humingi ng tulong at payo. Sa iba pang mga nakakaranas ng pang-aapi, pang-aabuso, panggigipit sa inyong mga pinagtatrabahuhan at mga iregularidad sa mga tanggapan ng gobyerno, bukas ang tanggapan ng BITAG sa inyo.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.