Hindi bababa sa 50 katao ang napatay sa central Myanmar noong Martes dahil sa air strike na ginawa ng militar sa isang kaganapan na dinaluhan ng mga rebelde.
Ayon sa mga news sites sa Myanmar, naipa-balita na nasa 50 hanggang 100 na katao kabilang na ang mga civilian ang namatay dahil sa air strike.
Ayon sa isang miyembro ng People’s Defense Force (PDF), nangyari ang air strike habang ginaganap ang kanilang seremonya
“So far, the exact number of casualties is still unknown. We cannot retrieve all the bodies yet,” saad ng miyembro ng People’s Defense Force.
Ang insidente noong Martes ay maaaring isa sa mga pinakanakamamatay sa hanay ng mga air strike mula noong inatake ng isang jet ang isang konsiyerto noong Oktubre, na ikinasawi ng hindi bababa sa 50 sibilyan, local singers at miyembro ng isang armadong grupo ng etnikong minorya sa Kachin State.
Noong nakaraang buwan, hindi bababa sa walong sibilyan kabilang ang mga bata ang napatay sa isang air strike sa isang nayon sa hilagang-kanluran ng Myanmar, ayon sa isang human rights group.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.