Kalaboso ang isang butangerong pulis matapos niyang pagbubugbugin, tadyakan at tutukan pa ng baril sa isang babae na kaniya umanong girlfriend.
Kinilala ang suspek na si P/Cpl. Louie Lumancas, 30, isang pulis na nakadestino sa Magpet Municipal Police Station.
Kumalat din sa social media ang video ng brutal na pambubugbog ni Lumancas.
Agad din nahuli ang suspek matapos rumesponde ang mga miyembro ng PNP-SWAT sa Kanapia subdivision Kidapawan City.
Kinumpirma ito ni Kidapawan Chief of Police P/Lt. Col. Peter Pinalgan sa programang BITAG Live ni Ben Tulfo.
“Masakit po sa talaga sa loob natin yan sir nakita natin isa pang babae yung naging biktima ng pambubugbog. Hindi po talaga makatao kasi meron po tayong proseso,” pahayag ni P/Lt. Col. Pinalgan sa Bitag Live.
Hindi naman nakapagpigil si Tulfo, at mariing niyang kinondena ang paraan ng pambubugbog ng suspek.
“Gusto ko matanggal sa serbisyo ito at maging sibilyan, nasentensiyahan makulong kasi administrative dapat kumilos yung internal affairs ninyo dyan sa tulong ng violence against women and children, yung women’ desk niyo po na wag na pabalikin itong pulis ninyo. Delikado po siya,” wika ni Tulfo
Sa inisyal na imbestigasyon, nagalit umano ang pulis dahil nakikipaghiwalay umano sa kaniya ang biktima matapos malaman na meron na itong asawa.
Samantala, sinabi ni Provincial Director P/Col. Harold Ramos, sa Bitag Media Digital na ito ang unang beses nasangkot sa krimen ang nasabing pulis.
Agad na na-relieve sa pwesto si Lumancas na mahaharap sa kasong administratibo at RA 9262 o physical violence.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.