IBA talaga mag-isip at iba talaga ang utak ng mga bully o manduduro tulad ng bansang China.
Kapag sila ang nanduro, to the max. Pero kapag sila ang nakaramdam ng panduduro, nakatago ang kanilang nerbyos at napa-praning sila.
Tulad ng ginawa nila sa bansang Taiwan nitong mga nakaraang araw.
Mismong sa paligid ng Taiwan ginawa ng China ang kanilang 3-day military drill. Sadyang ipinakita nila ang kanilang air and sea blockade training, simulated strikes dala-dala ang kanilang mga live ammunition at military hardware.
Ang Taiwan naman tahimik lang na nakamasid noon sa pambu-bully ng China na agad ring nagbabala sa Pilipinas. Hindi pa man nagsisimula ang nakatakdang Balikatan 2023, nagpahayag na agad ng pagkairita na may halong pagbabanta ang China.
Hinggil ito sa apat na karagdagang military bases na gagamitin ng US Military troops at Philippine Military troops sa pinakamalaking pagsasanay sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
Sasalihan ito ng libo-libong bilang ng US Military at Philippine Military at dadaluhan rin ng 111 Australian Defence Force at Japan Self-Defence Force na parehong mga observer.
Ang China, hindi kasali. Nagmamasid lang sa ‘di kalayuan habang nagmumura, nagngingitngit at siguradong nabu-bwisit. Tiyak magkaka-insomnia ang kanilang mga military intel na nagbabantay sa alyansa ng Pinas at Amerika.
O’nga naman, parang ang mensahe rito, ang ginagawa ng bansang Pilipinas at bansang Amerika sa ilalim ng EDCA ay pang-uudyok sa mga karatig-bansa natin sa ASEAN na manindigan laban sa panduduro ng China.
Lumalabas sa Balikatan exercise na ito, pasimuno ang Pilipinas. Tayo ang pumapapel at naging Mainland China na bully habang ang Mainland China naman parang naging Taiwan na walang magawa at hanggang pamasid-masid lang.
Diplomatiko pa nga si Pangulong Bongbong Marcos. Sabi niya, pinapatibay lang natin ang depensa ng ating teritoryo at republika. Pero ang sinasabi ng China, baka maging mitsa ng tensyon sa Indo-Pacific region ang apat na bagong military bases sa ilalim ng EDCA. Iba talaga ang bully. Laging tamang hinala.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.