HINDI ko masikmura ang pambubugbog ng isang putres na pulis-Cotabato sa kaniyang babaeng live-in partner sa Kidapawan City.
Sa orihinal na viral video na in-upload sa Facebook, sadyang ‘ti-nag’ ng uploader ang BITAG Live at ang utol kong si Sen. Raffy Tulfo dahil kami ang nakikita nilang pagsumbungan. Nangyari ito noong Abril a-dyes, hatinggabi sa isang subdibisyon sa Cotabato.
Pasalamat ka putok sa buho kang Cpl. Louie Jay Lumancas dahil wala ka dito sa Maynila. Kung nagkataong isang dura lang ang layo ko sayo, ora mismo bibisitahin kita at papatayan ng camera.
Kitang kita sa video. Dapang-dapa na ‘yung kaniyang girlfriend, tinutuhod pa rin ng pulis na akala mo UFC fighter. Mabuti pa nga sa UFC ring kapag nakadapa na ang katunggali aawat na ang referee. Dito wala.
Nagmamakawa na yung babae tuloy pa rin siya sa panggugulpi at pagsipa habang nakasabunot sa buhok.
Hindi pa nakuntento, bumunot pa ng baril ang tarantado, ikinasa at itinutok sa pobreng babae. Mabuti nalang at hindi ito pumutok. Tsk…tsk!
Hindi ko alam kung talagang sinadya ng pulis na gawin ang pambubugbog sa labas ng bahay para ipangalandakan sa komunidad na matapang at siga siya at kaya niyang kontrolin ang babae.
Sa live interview ko sa hepe ng Kidapawan City Police kahapon sa aking programang BITAG Live, kinumpirma ni P/Lt. Col. Peter Pinalgan, Jr. na kasal na at may asawa itong gunggong na si Lumancas.
Ito rin ang nadiskubre ng kaniyang girlfriend kaya siya nakikipaghiwalay. Pero itong bente otso anyos na pulis ayaw daw pumayag at nagalit kaya nauwi sa pambubugbog.
Salamat naman sa kapitbahay na agad tumawag at nagsumbong sa police station. Naghihimas na ngayon ng matatabang rehas ang butangerong pulis na dinakip ng walong SWAT pagkatapos ng insidente. Kudos sa mabilis na aksyon, Kidapawan City Police. Salamat din dahil walang nangyaring cover-up.
Babantayan ng BITAG ang kasong ito. Titiyakin namin na masasampahan ng kasong kriminal at administratibo si Lumancas para maalis sa serbisyo at mabulok sa bilangguan. Walang puwang sa lipunan ang mga ganitong uring nilalang.
O, DILG Sec. Benhur Abalos, tutal pabida-bida ka naman at mahilig kang umepal, dito ka ngayon magpabida. Bistahin mo ang pulis mo. Pangaralan mo. Kastiguhin mo. Magpa-presscon ka hangga’t gusto mo. Para naman sa mga biktima ng pambubugbog, pananakit at pang-aabuso, bukas ang aming tanggapan sa inyo, ang #ipaBITAGmo.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.