Patay ang isang gang lider at apat niyang kasamahan matapos umano makipag shootout sa mga miyembro ng Special Action Force sa Sitio Pedtad, Purok 5, Brgy. Dungos, Tulunan, North Cotabato umaga ng Abril 12, 2023.
Kinilala ang nasawing lider na sina Danny Lamalan Cabakungan, “Alias Commander Magnetic”, 55 years old at leader umano ng criminal gang.
Patay din ang apat niyang kasamahan na sina Montawal Dialil Macmad, Aron Manalindo, Abedin Macaspi at Thins Baadan
Arestado naman ang dalawang miyembro na sina Gabriel Mandalaogan Guiamelil at Arnold Kalon Macaspe.
Ayon sa ulat Philippine National Police North Cotabato, nangyari ang sagupaan nang salakayin ng mga SAF troopers ang hideout ni Cabakungan sa Barangay Dungos bandang 5:35 ng umaga.
Hawak nila ang search warrant na inisyu ng Kidapawan City Regional Trial Court 15 para sa kasong illegal possession of firearms and ammunition.
Nang makarating na ang mga tropa ng SAF, nagpaputok umano ang mga nasa loob ng bahay ito ang nag-udyok sa mga operatiba na gumanti putok na tumagal ng mahigit 30 minuto.
Dagdag pa ng PNP, si Cabakungan ay sangkot sa kasong gun running at gun-for-hire activities sa North Cotabato at Maguindanao.
May ugnayan din umano ito sa pangkat ng Hassan ng Dawlah Islamiya.
Nakumpiska ang ilang matataas na kalibre ng baril kabilang ang isang M16 rifle, dalawang M1 Garand rifles, isang .50-caliber sniper rifle at isang M79 grenade launcher.
Nasamsam din ang dalawang hand grenade, isang .45-caliber pistol, mga bala at dalawang sachet ng iligal na droga.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.