Arestado ang dalawang lalaki sa pagbebenta ng pekeng lisensya ng baril kanina sa Recto, Maynila.
Sa isinagawang entrapment operation ng Philippine National Police-Civil Security Group (CSG), kinilala ang mga suspek na sina Vicky Genabe, 38-anyos at Isidro Pagaduan, 37-anyos.
Ayon kay CSG Director Brig. Gen Benjamin Silo, nakumpirma nila ang pamemeke ng dalawa ng mga License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at pekeng lisensya na ibinibenta sa mga security guard.
Base sa intel report, P1,500 ang sinisingil ng mga suspek sa bawat pekeng lisensya. Nagagawa nila ito sa loob lamang ng dalawang oras.
Nakumpiska sa kanilang pinagtatrabahuan ang isang set ng computer at printer, mga pekeng ID at marked money na P500 bill.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code o falsification of documents ang mga suspek.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.