Isinusulong ngayon ng isang kongresista na suportahan at tulungan ang mga local jeepney manufacturer sa bansa na magiging katuwang sa modernisasyon.
Ayon kay Albay 2nd District Representative Joey Salceda, pwedeng maging efficient at environment-friendly ang mga gawang Pinoy na sasakyan kaya dapat ikunsidera ng gobyerno ang paggamit ng mga modernong bersyon ng mga jeepney sa bansa kaysa tuluyang alisin ang mga ito sa lansangan.
“I would summarize my proposal in three points: First, support domestic manufacturing of more modern and more efficient, but similarly stylish jeepneys. Second, increase the subsidy per unit to meet the financial viability gap. Third, buy out old jeepneys for cash,” wika ng House Committee on Ways and Means chairman.
Ayon sa mambabatas, ang nasabing mass transport system ay naglalabas ng mas mababang carbon emissions per capita kumpara sa mga pribadong sasakyan na nakakapag sakay lamang ng limitadong numero ng mga pasahero.
Noong Marso, matatandaang nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang transport group laban sa napipintong pag-phaseout ng gobyerno sa mga lumang jeepney na nakatakda sanang sa Hunyo 2023.
Ito ang nag udyok kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umapela sa mga jeepney drivers at sinabing pag aaralan pa ng husto ng gobyerno ang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.
Bukod dito, sinabi rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tatagal hanggang Disyembre 31, 2023 ang bisa ng mga provisional franchise ng mga tradisyunal na jeepney.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation today said it has ordered one of its licensees
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.