Bata pa lang, pangarap na nina Jeovane Dago-oc at Kerwin Baygan ang maging seaman upang makatulong sa kanilang pamilya.
Kaya naman ng mabigyan ng pagkakataon na makasampa sa barko bilang mangingisda, ibinuhos nila ang kanilang sipag sa pagta-trabaho sa barko.
Ngunit hindi nila inasahan na makakaranas sila ng panloloko mula sa kanilang Taiwanese employer. Walong buwan silang hindi sinahuran sa kanilang pagtatrabaho..
Taong 2019 nang idinulog nina Jeovane at Kerwin ang problemang ito sa BITAG Action Center.
Salaysay ng dalawa kay Mr. Ben Tulfo, umaraw man o bumagyo tuloy ang kanilang trabaho sa panghuhuli ng isda. Halos gawin na daw silang alila ng Taiwanese employer na To Yu Ocean Enterprise Co., Ltd.
Umapela din sa BITAG ang manpower agency ng mga Pinoy na mangingisda, sila rin ay biktima rin ng nasabing Taiwanese company.
Kwento ng agency sa BITAG investigator, maging sila nalubog sa utang sa ginawa ng employer.
“Ang dami talaga namin naging problema sa mga principal gaya nila. Itong To Yu Ocean Enterprise kasi fishing vessels ang hawak nila kaya lang bigla silang nawala, niloko nila ang mga crew, everytime na may uuwing crew, papupuntahin sa kanila, pinapasa sa amin,” pahayag ng isang empleyado ng agency.
Nangako naman ang agency na gagawin nila ang lahat, mabayaran lang ang mga pobreng mangingisda.
Panoorin ang buong imbestigasyon sa BITAG Youtube channel sa link na ito:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.