October 4, 2017, natagpuan ng mga awtoridad sa isang burol sa Rodriguez, Rizal ang dalawang bangkay na parehong teenagers.
Nakilala ang mga bangkay na sina John Vincent at Charmaine Villarias, magkasintahan at parehong estudyante.
Sa nakalap na impormasyon ng Philippine National Police (PNP) ng Rodriguez, Rizal mula sa mga saksi, nakatambay sina John Vincent at Charmaine nang araw na iyon nang bigla silang lapitan ng tatlong kalalakihan at nagdeklara ng holdap.
Kalunos-lunos ang hitsura ng mga labi ng magkasintahan nang matagpuan sila ng mga awtoridad.
Nakagapos ang mga paa ni John Vincent Umiten, laslas ang leeg at halos naliligo ito sa sariling dugo.
Samantalang ang kasintahan niyang si Charmaine Villaria ay natagpuang walang saplot sa katawan, nakagapos ang mga kamay at paa. Halos maubos na ang kalahati ng mukha ng dalaga dahil kinain ng mga uwak ang kanyang laman.
Lumalabas sa imbestigasyon na ginahasa ang babaeng biktima.
Natimbog ang mga suspek na sina Mark Anthony Leonador, Jesus Ubani at Michael Sales. Isa sa kanila, umaming lango silang magkakabarkada sa droga nang gawin nila ang krimen.
Patung-patong na kasong Robbery at Homicide ang isinampang kaso laban sa tatlong suspek. Ang nakakakakilabot na sinapit ng magkasintahan at ang buong imbestigasyon ng kapulisan sa kasong ito, panoorin ng buo sa BITAG-Crime Desk:
Recent News
Mandaluyong City – A senior citizen fruit vendor has defied the odds and became the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) welcomed the new year with a generous donation of
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.