Trending ngayon sa social media ang sumbong ng isang nagpakilalang girlfriend ng sikat na WWE Wrestler na si Roman Reigns.
Mula Ifugao ay bumaba siya ng Maynila upang personal na magreklamo sa #ipaBITAGmo.
Ang sumbong, pangi-ipit ng isang courier service company ng mga ipinadalang package daw ng kaniyang boyfriend na si Roman Reigns.
Ayon sa nagrereklamo, nagkakilala sila ng wrestler na si Reigns sa social media. Apat na buwan na daw silang magkasintahan.
Araw-araw kung sila’y mag-usap ng kasintahang wrestler. Subalit sa chat niya lamang ito nakakausap dahil ipinagbabawal daw kasi ng kumpanya ni Reigns ang pakikipag-video call sa iba.
Nitong Marso, nagpadala daw si Reigns ng ‘special package’ para sa kanya. Ang laman ng package, invitation letter at SIM card mula sa Amerika, at cash na nagkakahalagang US$20,000.
Nang kontakin daw siya ng “Curier Eagles Delivery Services Corp” na pinadalhan ng BF na si Reigns, pinagbayad siya ng P15,000 para sa tax. Agad namang nagbayad ang nagrereklamo sa pamamagitan ng GCash.
Subalit matapos makapagbayad, muli daw humirit ng pera ang courier company. Hindi umano ire-release ang package mula kay Reigns kapag siya nagbayad.
Paliwanag ni Ben Tulfo, maraming palatandaan na ang nagrereklamo ay biktima ng “online romance scam” o “love scam.”
Isa na rito ay ang hindi pakikipag-video call ni Reigns sa kaniyang Pinay GF. Tanging sa chat lamang ito nakikipag-usap.
Dagdag ni Tulfo, kapansin-pansin din ang mali-maling spelling at grammar ng nagpapakilalang si Roman Reigns sa kaniyang mga chat.
Nakumbinsi kaya ng BITAG ang nagrereklamo na siya ay na-scam o naloko? Alamin ang buong detalye:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.