Sabay-sabay na sinibak sa trabaho ang isang kahera, dishwasher at cook ng isang restobar sa Marikina. Ang dahilan, ang pagtikim nila ng chicharong bulaklak na inirereklamo ng isa nilang customer sa restobar na kanilang pinagtatrabahuan
“Yung tinikman po namin ay dahil may guest o customer complaint po, curious po kami kung totoo ba yung complaint ng guest, ang sabi po kasi ay ‘mapanghi’ yung pagkain kaya tinikman namin,” paliwanag ng mga empleyado sa public service program sa telebisyon na #ipaBITAGmo.
Dahil dito, isang suspension letter mula sa kanilang Human Resources Department ang kanilang natanggap. Agad daw itong sinundan ng dismissal letter o pagsasabing sila’y sinisibak na sa kanilang mga trabaho..
Sa pakikipanayam ng BITAG sa HR Manager ng restobar, bukod sa sa isyu sa pagtikim ng chicharong bulaklak ay may iba pang violation ang mga nagrereklamong empleyado. “Nagkaroon po kami ng problema sa mga inventory at auditing. Hindi po nagtugma ang mga stocks ng pagkain sa resto. ‘Yung isa rin sa kanila, umamin na palaging humihingi ng mangko shake na hindi naman dapat dahil may mga food allowance sila at central tip na ibinibigay sa mga empleyado,” paliwag ng HR Manager kay Ben Tulfo.
Isang buwang suspensiyon ang inilatag na parusa sa mga empleyado. Kinalaunan ay nagdesisyon na ang kumpanya na tuluyang tanggalin ang mga ito dahil sa mga natuklasan pang violations. “Nakapirma po sila sa kontrata at na-brief ng personal about sa mga company policy. They are not doing their job well, kaya nag-decide po ang management na buo sila tatanggalin and we have to hire bagong tao dahil hindi na po productive,” dagdag ng HR Manager.
Bagamat nagpasalamat ang host na si Ben Tulfo sa maayos na paliwanag ng HR Manager, siniyasat ni Tulfo kung nabigyan ba ng mga paunang “warning” ang mga empleyado bago sila matanggal sa trabaho.
“Yung due process, yung the right to be heard, naibigay po ba sa mga empleyado iyun,” tanong ni Tulfo.
Hindi ito diretsang nasagot ng HR Manager, ipinaliwanag lang nito na dahil sa sunod-sunod na violation ay nagdesisyon silang tanggalin na ang mga empleyado.
“Hindi niyo na-establish yung once, twice or thrice warning. Ito po karapatan ng mga manggagawa at ng mga empleyado, please deliver my message and my point to your management, hindi ko po kilala ang mga taong ito, kung sila ay nagkamali, parusahan niyo pero dapat may proseso,” paliwanag ni Tulfo.
Nangako naman ang HR Manager na ibibigay nila ang huling sahod ng mga nagrereklamong empleyado kapag nakapag-clearance na ang mga ito. Samantala, kasalukuyang nasa Department of Labor and Employment (DOLE) na rin ang reklamong ito.
Panoorin ang buong imbestigasyon ng BITAG:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.