Patay ang isang 9-anyos na bata sa Negros Occidental matapos itong mabulunan umano ng kanyang kinain na chocolate candy habang ito ay nasa eskwelahan nitong Biyernes (Abril 14).
Base sa ulat, nakatira sa Barangay Zone 4, Cadiz City, Negros Occidental ang grade 2 student na biktima.
Ayon kay Police Capt. Gina Fernandez, Deputy Chief ng Cadiz City Police, sinubukan humingi ng tulong ng biktima sa kanyang guro nang bumara ang isang bagay sa kanyang lalamunan subalit hindi ito makapagsalita.
Agad na itinakbo sa ospital ang estudyante subalit idineklara itong dead-on-arrival.
Hindi makumpirma ni Fernandez ang bagay na bumara sa lalamunan nang biktima dahil tumanggi ang kanyang pamilya na isailalim ang kanyang labi sa X-ray.
Gayunman, sinabi ni Fernandez na may ilang balot ng chocolate candy ang nakita sa loob ng bag ng biktima, dahilan para maghinala silang kendi ang bumara sa lalamunan ng biktima.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.