SAPUL sa bagong Code of Professional Responsibility and Accountability o CPRA ng Korte Suprema ang mga abogadong sinisira ang dignidad ng kanilang propesyon.
Sila ‘yung mga abogadong angkas, sakay, sakaw. Hindi naman nila saklaw pero yun ang gustong gusto nilang talakayin.
Sa halip magtalakay ng tungkol sa batas para magbigay ng mga kaalaman at impormasyon sa kanilang mga follower, ang pinanghihimasukan, showbiz. Yun ang content ng kanilang vlog.
Kunwari magbibigay ng komento sa isang isyu pero ‘yung pagtatalakay nakasentro sa mga personalidad na pilit nilang hinahanapan ng butas.
Nakakubli sa kanilang pagiging abogado ang labis-labis nilang pagkainggit at pagkainis doon sa mga personalidad na paborito nilang pag-usapan.
May kilala akong ganitong abogado. First time kong makakita. Naturingang abogado pero kami ni Senator ‘Tol Raffy Tulfo ang paborito.
Ayaw nalang naming patulan at hindi ko na rin papangalanan baka sumikat lang at makakuha pa ng milyones na views. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos wala siyang ibang inatupag kundi punahin kami, under the guise ng pagiging abogado niya. Gets nyo na kung sino?
Tama naman, lahat tayo may freedom of expression. Pero dapat lahat ng mga lumalabas sa bibig natin mayroon tayong responsibilidad at pananagutan.
Kaya itong pag-apruba ng Supreme Court sa Code of Professional Responsibility and Accountability bad news para kay Attorney-no-case.
Sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo nitong mga nakaraang araw, ang CPRA ay pagkukumpuni at pagsasaayos ng tamang pag-uugali at tamang saloobin ng isang abogado sa kanilang inaasal sa larangan ng abogasya —- sa makabagong panahon, yung responsibilidad at pananagutan sa kaniyang propesyon.
Ang punto ni CJ sa kanilang hanay, habang tinatahak ang kumplikadong mundo ng social media, kinakailangang matiyak ang presensya at dignidad ng propesyon bilang mga abogado.
Ibig sabihin, iwasan na ang pagpo-post ng mga hindi makatotohanan, hindi mga berepikadong impormasyon at paglalabas ng mga bagay na kompidensyal gamit ang social media para impluwensyahan ang ibang tao o ang publiko gamit ang propesyon ng abogasya.
Siguradong nagngingitngit ngayon si Attorney-no-case. May mga mata at tainga na kasing na-kamonitor sa kaniya. Ewan ko na lang kung mag-vlog vlog pa sya.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.