Mas magiging handa sa mga kalamidad ang probinsya ng Quezon matapos magpatayo ng dalawang bagong emergency shelters ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa munisipalidad ng San Andres at Plaridel.
Nitong Abril 14, inagurahan ng PAGCOR ang two-story Multipurpose Evacuation Center (MPEC) na nagkakahalaga ng P50 million sa Barangay Camflora sa bayan ng San Andres –na matagal nang nangangailangan ng emergency shelters para sa mga pamilya at indibidwal na apektado ng iba’t-ibang mga kalamidad.
Bukod dito, pormal ding binuksan ng state-run gaming firm sa publiko ang isang basketball-type multipurpose evacuation structure na nagkakahalaga ng P12.7 million sa Barangay Tanauan sa bayan ng Plaridel noong Abril 15.
Ang naturang evacuation facility ay tutugon sa pangangailangan ng bayan para sa isang permanenteng lugar na tutuluyan ng mga residente sa panahon ng mga kalamidad tulad ng bagyo at pagbaha.
Samantala, pinaabot naman ni San Andres Municipal Mayor Ralph Edward Lim ang kanyang pasasalamat sa PAGCOR sa tulong na ipinaabot nito sa kanyang mga nasasakupan.
“Maswerte po ako na sa panahon ng panunungkulan ko ay hindi pa tinatamaan ng matinding kalamidad ang aming bayan. Pero mas maswerte ang aming mga mamamayan dahil hindi pa man sumasapit ang pagkakataong kinakailangan nilang lumikas ay naririto na at nakatayo ang isang maganda’t matibay na gusaling kanilang masisilungan mula sa PAGCOR,” wika ni Lim.
Kabilang din sa mga nagbigay ng pasasalamat ay si Plaridel Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Rodenel Vera Cruz na sinabing hindi na kakailanganin pang magsiksikan ng mga residente tuwing evacuation.
“Naging pangkaraniwan na po kasi sa mga mamamayan dito ang paglikas tuwing may malalakas na bagyo at matitinding pagbaha. Ang hindi po nila makasanayan eh ang hirap na kanilang nararanasan sa pagsisiksikan sa mga paaralan at barangay halls tuwing kinakailangan nilang lumikas. Kaya’t isa pong napakalaking tulong at ginhawa para sa aming munting bayan ang pagkakaroon ng isang permanenteng evacuation site mula sa PAGCOR,”
Sa kasalukuyan, nakapagpatayo ang PAGCOR ng 26 MPEC sa buong bansa habang 51 naman ang itinatayo pa.
Recent News
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
A bettor from Balagas, Batangas City won ₱46,546,547.80 in the Lotto 6/42 drawn last October
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.