MAY namumuong gyera ngayon sa pagitan ng DILG at PNP, base sa kanilang mga naratibo at soundbytes.
Dating sanggang-dikit, ngayon mortal na magka-kontra. Na kung tutuusin, ang PNP ay nasa ilalim ng DILG. Naloko na!
Hinggil ito sa isyu ng pinakamalaking operasyon ng PNP kontra ilegal na droga o ‘yung nakumpiskang 900 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7B na kinasasangkutan ng ilang mga opisyal ng pulisya.
Ang gustong palabasin ni SILG Benhur Abalos, may cover-up na nangyayari sa PNP at may bahid na ang kanilang buong hanay.
Ang kaniyang basehan, CCTV video at persepsyon niya. ‘Yungtinutukoy niyang video hindi pa niya inilalabas pero nauna na siyang magyakyak sa media.
Ito rin yung gabinete na gusto niya laging mukha niya ang nakabalandra sa harap ng mikropono at kamera. Sobra sa pagpapaepal. Labis-labis sa pagsasalita. Gusto niya siya lagi ang bida. May ambisyon daw kasi yatang tumakbo sa Senado sa 2025. Tsk…tsk!
Kaya itong si PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin na sa palagay ko matagal nang nagtitimpi kay Abalos, hindi na nakapagpigil. Apat na araw bago sya magretiro, nagpa-presscon sa Crame noong Lunes kasama ang ibang mga opisyal ng PNP.
Paliwanag niya, ngayon lang sya nagsalita dahil nirerespeto at sinusunod niya ang due process. Hindi raw sya basta-basta nag-aakusa ng walang imbestigasyon at ebidensya.
Sinasadya nya rin daw na hindi magpa-litrato sa lahat ng mga nakukumpiskang droga ng PNP dahil ayaw niyang magamit ito ng mga sindikato, kabaliktaran dun sa isa na gusto laging nangunguna sa photo ops.
Patutsada niya pa kay Abalos, dapat daw lahat ng usapin idinadaan sa proper forum o court of law at hindi sa court of public opinion o diretso agad sa media.
Kaya ang nangyayari, ang mga tao nalilito. Habang ang mga media naman nagpipista sa mga soundbytes na gagawin nilang balita.
Gagawin ko nang madali ang paghahambing sa dalawa.
‘Yung isa, bara-bara, talsik-laway. ‘Yung isa naman hinay-hinay at napapanis ang laway dahil sobrang ingat.
‘Yung isa publicity hungry, laging paepal, pabida-bida, trapo at walang law enforcement background. ‘Yung isa naman mala-pastor ang pamumuno at laging naka-base sa report na pinapasa sa kaniya kahit na may pagdududa sya.
Hindi ko sinasabing mali yung isa at yung isa tama dahil pareho naman silang may mali at may problema.
Sa maikling salita, ‘yung isa t***a, ‘yung isa naman mahina. Gets nyo?
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.