Nagdulot ng kalituhan sa mag-asawang Alaiza Asia at Kenneth mula sa Atimonan, Quezon ang kasarian ng kanilang sanggol, dahil pareho itong may ari ng babae at lalaki.
Sa isang episode ng “Dapat Alam Mo!” ni Ian Cruz, nahirapan umanong tukuyin ng mag-asawa ang kasarian ng kanilang dalawang buwang gulang na anak dahil sa kondisyon nito.
Ayon kay Alaiza, para umanong babae ang kanyang anak dahil kahit na ang pinaka ari niya ay pang lalaki, umiihi naman ito sa ari ng pambabae.
Dagdag pa niya, wala sa kanilang pamilya ang may ganitong kondisyon kaya pangamba ng mag-asawa na baka tuksuhin ang kanilang anak sa paglaki nito.
“Nahihirapan po ako at the same time nasasaktan kasi naiisip ko na what if kapag lumaki siya at nag-aaral na, paano kapag umiihi siya, nakaupo, puwede po siyang ma-bully no’n,” ani Alaiza.
Dahil kailangan ilagay sa birth certificate ang kasarian ng kanilang anak nagdesisyon silang lalaki ang ilagay bilang kasarian nito.
Ayon naman sa pagsusuri ng pediatric surgeon na si Dr. Michael Gaw hindi dalawa ang kasarian ng sanggol at hindi rin ito isang hermaphrodite. Isa lamang at lalaki ang tunay na kasarian ng sanggol ngunit may kondisyon itong proximal hypospadias.
Ang proximal hypospadias ay isang uri ng birth defect kung saan wala sa pinakadulo ng ari ang dulo ng urethra o daluyan ng ihi ng lalaki.
Bukod dito, ang lalaki na may proximal hypospadias ay mayroon ding bifid scrotum kung saan magkahiwalay ang sac na naglalaman ng dalawang itlog.
“Sa hypospadias ang nangyayari ay nasa ilalim, nasa penile shaft o baras ng ari. Puwede siyang malapit sa dulo, puwede siyang sa may gitna, puwede siyang nasa may puno, o sa base ng penis. Or even doon sa may scrotum sa may itlog, or even malapit na siya sa opening ng puwet,” paglilinaw ni Dr. Gaw.
Sa ngayon hindi pa rin matukoy kung paano nagkakaroon ng hypospadias ang isang tao.
Posible naman umano itong masolusyunan sa pamamagitan ng surgery na nagkakahalaga ng P30,000 hanggang P40,000 sa pampublikong ospital.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.