HINDI ko makitaan ng saysay ang mga pagpapaepal na ginagawa ni DILG Sec. Benhur Abalos.
Bawat kibot gusto niya nasa media agad. Sobra-sobra sa pagpapabida, nakaka-bwisit na. Kulang nalang yata pati pag-utot nya, ipa-presscon nya.
Maliban sa pagiging epal, ito rin yung gabinete na yung bilog ginagawa niyang parisukat o ‘di naman kaya tatsulok. Tapos sasabihin niya siya ang una at may orihinal na ideya sabay tapik sa likod at bulong “ang galing ko talaga.”
Tulad nitong sinasabi niyang bagong BIDA Program partnership ng DILG at Philippine Basketball Association (PBA). BIDA p ‘yung ‘Buhay Ingatan Droga’y Ayawan.’
Layunin niya raw, iiwas ang mga kabataan sa paggamit ng ilegal na droga sa pamamagitan ng PBA players na iniidolo nila. Tama siya, pero mali rin siya.
Unsolicited advice, Sec. Abalos kahit alam kong hindi ka nakikinig sa akin. Bahala na ang mga chuwari-wariwap mo ang magparating sayo.
Ang gawin mo, sa halip magpabida-bida ka kasama ang PBA, bumaba ka sa mga barangay. Doon mo dalhin ang kampanya mo laban sa ilegal na droga.
Lalo na ngayong summer season, pondohan mo ang mga Sangguniang Kabataan (SK). Gawin mo silang abala sa mga palaro at hindi dun sa pulitika kasi maaga pa nagiging trapo na sila.
Mag set-up ka ng mga sports clinic. Dapat lahat ng sports hindi lang basketball. Alamin mo ang mga programang kailangan nila sa barangay at mga laro na interes nila.
Kasi kung manonood lang sila ng basketball at ng mga iniidolo nila, ano ang gagawin nila pagkatapos? Gawin mo silang abala. Sila mismo ang dapat maglaro. Hayaan mo silang i-enjoy ang kabataan nila.
E ano ngayon kung idolo nila ang PBA? Kung hahanga sila at wala naman silang aktibidades, ‘ala rin.
Bumaba ka sa mga barangay mo. Doon mo ikampanya ang BIDA program mo laban sa ilegal na droga. Tulad ng ginawa noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, sumentro sila sa mga barangay.
Ang gulong ay bilog. Wag mong babaguhin.
Ikaw naman, kumopya ka na nga lang di mo pa ginalingan! Susmaryosep!
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.