Matapos ang ilang buwang paghihintay ng mga kawani, tumubo ang Rafflesia banahawensis o Rafflesia sa Mts. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape (MBSCPL), Brgy. Kinabuhayan, Dolores, Quezon.
Namataan ang bulaklak noong March 2023 habang nagsasagawa ang MBSCPL ng pagpapatrolya sa lugar.
Ang Rafflesia ay may sukat at lapad na 30 sentimetro. Hindi tulad ng ibang species ng nasabing bulaklak, ang itsura ng Rafflesia ay kakaiba at naglalabas ng masangsang na amoy upang makaakit ng mga pollinator gaya ng langaw. Sa ngayon, mayroong dalawang populasyon ng Rafflesia flowers sa ugat ng Tetrastigma, ang host plant nito.
Ayon kay Forester na si Josephine M. Barrion, protected area superintendent ng MBSCPL na magsasagawa sila ng monitoring upang mapanatili ang kaligtasan nito.
Ang Rafflesia ay nasa listahan ng mga “endangered” o malapit nang maubos sa ilalim ng DENR Administrative Order 2017-11 at protektado rin ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001 kung saan hindi pinahihintulutan ang pangongolekta, pagmamay-ari, at pagkuha ng nasabing bulaklak.
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.