Binigyang pugay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang topnotcher ng 2022 Philippine Bar Examination gayundin ang iba pang mga empleyado ng state-run gaming firm na pumasa sa naturang pagsusulit na ito.
Kasama ang mga miyembro ng Board of Directors, pinangunahan ni PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco ang pagbibigay ng parangal kay bar topnotcher Czar Matthew Gerard Dayday sa isang Executive Committee Meeting noong Abril 19, 2023 sa PAGCOR Executive Office sa Manila.
Si Dayday ay anak ng mag asawang empleyado ng PAGCOR na sina Emily at Cesar Dayday na parehong nagtatrabaho bilang dealers sa Casino Filipino.
Siya ay pinarangalan ng PAGCOR ng Certificate of Distinction at cash gift para sa kanyang pambihirang tagumpay.
Ayon kay Tengco, makakatanggap din si Dayday ng iba pang mga gantimpala, kabilang ang laptop na kanyang nais, mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.
“Minarapat kong parangalan ang ating Bar topnotcher dahil first time sa history ng
PAGCOR na mayroong anak ng mga empleyado na nanguna sa Licensure Examination
for Lawyers. This may not happen again,” ani ng PAGCOR chief.
Bukod kay Dayday, kinilala at binigyan din ng gantimpala ng PAGCOR Board ang Casino Filipino Branch Manager na si Michael Joseph De Jesus Bailey at Casino Filipino-Cebu Pit Officer Malou Pangalangan dahil sa kanilang pagpasa sa Bar Exam.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.