• Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
  • Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
“Gyera sa pagitan ng DILG at PNP”
April 19, 2023
Kulturang palusot o Kulturang kapabayaan?
April 25, 2023

LTO, Pukaw na mo!

April 21, 2023
Categories
  • Ben Tulfo Unfiltered
Tags
  • Ben Tulfo Unfiltered
 
BTUNFIlT

“LTO, Pukaw na mo!”

NATUTULOG sa pansitan, gising o nagtutulog-tulugan?     

O baka naman sadyang nagbibingi-bingihan lang. ‘Ala lang. Dedma.

Alam nilang may problema sa kanilang sistema pero sila pakuya-kuyakoy lang sa loob ng malalamig nilang opisina.   

Ganyan ang  nangyayari sa Land Transportation Office (LTO). Dekada na ang mga reklamo sa kanilang sistema pero hindi pa rin maayos-ayos at masolusyunan.   

Isang halimbawa ang inilapit ng isang kababayan nating overseas Filipino worker (OFW) sa #ipaBITAGmo.

Nasa labas siya ng bansa pero wala siyang kamalay-malay na mayroon siyang limang traffic violations. Nagkagulatan nalang noong nag-renew sya ng driver’s license sa LTO-Batangas dahil aalis na ulit sya ng bansa.

Sa data base ng ahensya,lumalabas natiketan daw sya habang minamaneho niya ang isang Foton 12-wheeler truck at dump truck sa Pampanga. Na noong mga panahon na ‘yun nasa Kuwait sya.

Pati ‘yung mismong OFW nagtataka. Kahit kailan daw hindi siya nagawi sa Region 3. At base sa kaniyang lisensya dyip lang ang pwede o allowed niyang imaneho. Naloko na!

Mabuti naman at sinibak na nila ‘yung traffic enforcer na nag-isyu ng pekendos na traffic violation ticket.  

Pero itong isa pang kapolpolan ng LTO Main, hindi ko alam kung magagalit ako o matatawa nalang sa inis.  

Isang bus drayber nahuli nilang nagda-drive ng kolorum na bus. Pero ‘yung mga nasa LTO Main Office siya raw ang pinagmumulta ng isang milyong piso dahil ang kaniyang operator biglang no show na.

Kaya ang sabi ng LTO, ‘yung pobreng drayber nalang daw ang magbayad ng P1-milyon para makuha nya ang lisensya niya.

Sino ba naman ang hindi mabu-bwisit sa ganitong sistema? Hindi na ako magtataka kung isang araw ultimo yung patay na sa sementeryo magkaroon rin ng violation ticket. Umaayos nga kayo!

O, kayo dyan sa LTO, pukaw na mo!   

Recent News

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 
National News
April 29, 2025

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 

With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL
National News
April 29, 2025

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL

Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng  Outpatient

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES
National News
April 22, 2025

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES

The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS
National News
April 15, 2025

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS

PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino.  “Nais naming ipaabot

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR
National News
April 9, 2025

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR

LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March

PAGCOR TURNS OVER PATIENT TRANSPORT VEHICLE TO PNPA
National News
April 7, 2025

PAGCOR TURNS OVER PATIENT TRANSPORT VEHICLE TO PNPA

The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to

Share

Social Links

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com


All Shows

  • Bitag New Generation
  • Crime Desk
  • Pinoy US Cops


News and Current Affairs

  • #ipaBITAGmo
  • BITAG Live
  • BMN News

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved


News and Current Affairs


All Shows

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved