Isa si Malou Pangalangan sa mahigit walong libong pumasa sa 2022 bar exam.
Si Pangalangan na ngayon ay isang Pit Manager sa Casino Filipino sa Cebu ay 18-years ng nagtatrabaho sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Sa isang pahayag, ibinahagi ni Pangalangan na kabilang sa kanyang bucket list ang pagpupursige ng pag-aaral ng abogasya ngunit inamin niya na minsan na siyang nagdalawang-isip kung itutuloy ito dahil baka mahirapan siyang pasabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral.
Nagtapos siya ng abogasya sa University of Cebu Law School bukod dito ay nagtapos din siya ng kursong Bachelor of Science in Mathematics.
Isa sa mga naging inspirasyon ni Pangalanan upang ipagpatuloy ang kanyang pangarap ay ang kanyang asawa na si Edwin na isang casino dealer.
Ayon kay Pangalangan, naging mahirap ang kanyang journey para maging abogado, anim na buwan bago ang 2022 bar exam ay kinailangan niyang pansamantalang umabsent upang mag-review.
“Napakahirap, but I had to endure all the challenges that came my way because I really wanted to become a lawyer. Hindi ako sumuko sa mga pagsubok kasi alam kong ang tagumpay ay makukuha sa pagtitiyaga,” paliwanag niya.
Kaya naman labis daw ang saya ni Pangalangan nang makita niya ang kanyang pangalan sa listahan ng mga nakapasa sa 2022 bar exam.
Kung bibigyan ng pagkakataon ay gusto raw ni Pangalangan na mapabilang sa legal team ng PAGCOR.
“If given a chance, I’d like to practice my law profession with PAGCOR first before pursuing other related endeavors outside of it,” ani Pangalangan.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.