November 14, 2018, nabulabog ang mga residente ng Barangay Banga sa Meycauayan, Bulacan ng may matagpuang kahina-hinalang asul na storage box sa gilid ng kalsada.
Ayon sa mga residente, masisilip sa kahon ang nakausling paa ng tao.
“Madaling araw may tumawag sa amin dito na isang concerned citizen, mayroon daw isang box na nakalagay doon sa isang kanto. So, binuksan, nakita nila paa ng isang tao” paliwanag ng imbestigador ng kaso.
Agad rumesponde ang Meycauayan Police Station at sinilip ang laman ng storage box, tumambad sa kanila ang bangkay ng isang babaeng walang saplot.
May saksak ito sa dibdib at kalunos-lunos ang itsura dahil tila tinupi ang katawan para lang magkasya sa storage box.
Kinilala ang bangkay na si Andrea De Guzman, 20 anyos.
Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng BITAG Crime Desk ang tumatayong ina ni Andrea na si Grace.
Ayon kay Grace, natawagan at nakausap pa niya sa telepeno si Andrea, gabi bago matagpuan ang kanyang bangkay.
Ano ang nangyari kay Andrea at sino ang nasa likod ng brutal niyang pagkamatay?
Balikan at panoorin ang buong imbestigasyon ng BITAG Crime Desk sa kasong ito.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.